Dalawin mo si Papa Mo

Personal - Top Blogs Philippines

Hi Gagay. Musta na u anak? siguro tulog ka na sa mga oras n ito?image

Pasensiya na anak, ang hirap kasi ng puwesto ko dito, alam mo namanyun diba?

Teka, nakainom ka na ba ng vitamins mo? Para tumaba ka naman. Inaasar ka pa rin ba ni Sakang? Huwag mo na lang siyang pansinin, adik kasi tatay nun kaya ganun yun.

Naglalaro pa rin ba kayo ni Sophie. ung anak ni Major? Huwag ka na lang mandiri sa kanya. Kung hindi mo siya mapigilan sa bisyo nya, mag-suggest ka na lang sa kanya na mag-hugas ng kamay kapag kumakain ng kulangot. Alam mo na, baka marumi kamay nyapag sumusubo ng kulangot, dirty un anak, dapat pag kumakain mag wash ng hands.

Kumusta schooling mo? Puro line of na ba uli? Naks, alam ko ganun nga. Encourage mo din kuya mo na gayahin ka, hindi ung puro DOTA at Redtube ang inaatupag. Kita mo, ampayat payat na, eh marunong na atang magbalbal yan! Tawagan mo siya minsan nak, buhay pa ba cellphone na bigay ni mama u?

Alam mo si Kulay, sobra pa rin likot, lahat ng puntahan, laging may nagigiba. Un ngang si Boy Bicol, ung siga sa atin, nagka-alta presyon. Akalain mo ba namang naglagay ng lubid sa pathwalk, eh blackout nun, madilim, natisod ung siga, lasing, eh di tumba, una  nguso. Ayun, kinabukasan, ang tawag na sa kanya ng mga kapitbahay hindi na Boy Bicol kundi Angelina Jolie na, sargo kasi nguso niya, poutted lips na siya.

Tawa tawa ng tawa nun sa kalokohan ng kaPatid mo. Pero kuwento lang un ng mama mo, nung dumalaw siya. Di kasama si Kulay, natakot kay Boy Bicol, a.k.a. Angelina Jolie.

Si Kahlil, ayun parang binata na. Halos singtangkad na ng kuya mo. Dami na din nya medal tulad mo, ung iba, ewan ako anu pumasok sa kukute, pumunta kila mang Luis at ibebenta daw, ginto daw kasi. Kuwento naman yan ni Kuya mo nung dumalaw siya sa akin.

Si mama mo? Ayun, madami na ring puti sa buhok, naaawa na rin nga ako eh. Sabi ko nga, mag asawa na lng siya uli para may katuwang siya. Sabi niya, di daw nya gagawin un, tutal nangako naman kuya mo na pagkatapos ng engineering eh siya daw magpaPa-aral kay kulay at kahlil. 4th year na kuya mo.

May sasabihin ako sayo, wag ka maingay, alam m b ung nasa tv daw nung nakaraan? Yung may sira ulong freak nang-hack sa site ng Palasyo at pinalitan ang mukha ng Presidente, at pinalit ang mukha ni Mr. Bean? Kuwento ng mama mo, Kuya mo daw may gawa nun, pinakita pa nga nya sa mama mo kung paano gawin. Nagalit daw mama mo. Biruin mo daw eh papaliwanagan siya ng Java at DOS at mga syntax daw eh wala naman siyang alam, buti daw kung Facebook na lang pag-usapan, may mabubuga pa siya.

Teka, sabi Mama mo, inadd ka daw ni Kahlil sa FB? Di mo daw ina accept? Nagbago ka ba ng account? Nak, kung may pagkakataon ka, tingnan mo nga profile nung Wency Balatucan. Laging ka-chat ni Kulay un, minsan nga di na un natutulog, puro lang chat.

Buti pa si Kahlil, kapag nakatapat sa computer, sabi Mamaa mo, lagi Google Search ang ginagawa. Masigasig yang bunso mong lalaki mag research kahit highschool pa lang. Biruin mo, sabi ng Mama mo, nakagawa na daw si Kahlil ng term paper tungkol sa kung ano ang mas patok na parlor, ung may bakla ba o wala. Actually sumali na rin daw siya sa essay writing contest at nag champion siya. Puro babae daw ang kalaban niya. Ang topic nila “My Most Favorite Kikay Things”.

Hay naku nak, kung andun ka sa bahay, masisiraan ka talaga ng ulo, hehe. Pero siyempre masaya lahat sila doon.  Nami-miss ko na nga sila doon eh. Sabi naman mama mo, madalas din naman nila akong pag usapan dun.

Nami-miss na rin kita anak. Kelan ka ba huling dumalaw dito? Kasama mo pa nuon si Jolan. Aysus, 17 years old ka pa lang Aata nun ah. Sila Mama mo at mga kapatid mo, halos buwan buwan nandito lalo na pag Nobyembre.

Nak dalawin mo naman ako, miss na kita, gusto sana kitang mayakap kung puwede. Pero kung busy ka sa schooling me, ok lang.

Pero nak, kung sakali, sa anumang paraan eh mabasa mo itong sulat ko na pinalagay ko kay Mama mdn sa FB account ko, at maisipan mong dumalaw, magiging masayang masaya ako.

Siya nga pala, naala mo ba yung malaking puno ng Acacia na katabi ng puwesto ko? Pinutol na un anak. Baka kako maligaw kung yun ang palatandaan mo. Ganito na lang, basta kung dadalaw ka, ask u lang ung guard sa entrance kung nasaan ang North Wing. Sundan mo lang ung mga bermuda grass sa gilid ng pathway. Madali mo yun matunton dahil may bigtime akong kasama dito. Kilala mo si Palparan? Andito na rin.

Oh sige anak, basta dumalaw ka ah. Bukas, Novewber 1 na, baka maisipan mo lang na dalawin ako.

Magdala ka ng panyo o Good Morning towel, pamunas sa pawis, siksikan kasi dito bukas sa North Cemetery.

Love,

Papa

Philippines Blog Directory

Another silly and witty idea from malayangjuan-Android

Continue reading

Semantiko ng Pagmamahal

Sa Tapat ng Immacualte Concepcion HIgh School. May mga nakahilerang tindera ng bulaklak at lobong hugis heart. Napatigil. Tumingin sa pocket calendar na si Ara Mina ang model. Wag na itanong kung may saplot siya o wala. Sabi sa Kalendaryo, January 22, 2009. Valentines na ba? May mga bata, estudyanteng mga 13 or 14 anyos, bumibili ng bulaklak. Kanino ibibigay? Sa syota? sa titser? o sa guwardiya?

Yung bunso ko, 5 months old, tumitigil sa pag-iyak pag naamoy ako. Di ko alam kung sa amoy pawis o amoy ng seguridad mula sa kanyang ama.

Si Barack Obamma, hype na hype ang tao sa kanya. Nangako siya ng peace and progress.

Paano ba magmahal? HIndi kaya ito nararamdaman ng mga taga-Israel na bumubomba sa Gaza? Ni ang mga batang estudyante ng Immaculate, o ang mga tindera ng bulaklak, ni ang sanggol ko, di ko matanong kung paano unawain ang pagmamahal. Mas lalong mahirap matanong si Obama!

Ano ang hugis? ano ang anyo? ano ang kulay ng pagmamahal?

May batang kalye, nanghingi sakin ng binili kong tokneneng. Wala na akong pera pambigay, sakto lang ang perang binili ko ng pagkain, tanghalian ko. Binigay ko sa bata ang tokneneng. Nagugutom ako….

LITANYA KAY TONIO

Isa na lang, isang beses pa
Bago mo tuluyang lisanin ang mga pinagsaluhang tuwa at luha
Baka maaari pang pag-usapan, hindi ganyang lagi kang tulala
O kayay tatawa, pagdaka’y iiyak

Ano ngayon ang kahulugan ng katinuan?
Gayong pilit mo itong tinatakasan
Wag mong sabihing nagsawa ka na
Sa hirap, sa buhay sa politika?

Hindi! Ang buhay ay hindi matematika
Na mayroong tiyak na sagot, at tiyak na husga
Kaya huwag muna, huwag muna
Marami pa tayong tatapusin, marami pa tayong makukuha

Gurlis, damit na may mantas, paa na may tibak
Isang pirasong bag na hindi mo pinakikita ang laman
Malayo masyado ang iyong nilalakbay
Ngunit saan ka pupunta, gusto naming sumama, gusto naming makiisa

Huwag muna, huwag muna
Maanong lingunin panandali
Marami kang kasama, masyado ka lang mabilis, o masyado kaming mabagal
At hindi tuloy nakita ang kagandahan ng iyong ginagawa

Ligtas ka sa kamunudhan, dahil hindi mo ito naisip
Ligtas ka sa kasakiman, dahil ayaw mong mag-ari
Ligtas ka sa kasalanan, dahil hindi naming abot ang iyong naiisip
Ngunit bakit ka nag-isa, sandal muna, sandal muna

Maaring isa pa bang pagkakataon?
Na makisabay kami sa iyong awit tuwing hatinggabi gabi
O makikain sa hapag na nilikha na iyong isip
At doon, muli nating ibalik ang realidad na sabay-sabay nating hinabi?
picture from Mr. Harold Fadriquela

Like ·  · Unfollow Post · Share · Delete

    • Nino Matienzo excellent!

      June 15, 2010 at 7:34pm · Like
    • Bernadette Fortich Saludar galing!!!nakakatouch..

      June 15, 2010 at 10:42pm · Like
    • Abbe May nicely done… magaling na paghabi ng mga titik! :-)

      June 15, 2010 at 11:30pm · Like
    • Jayson Ramos Saavedra Valencia

      Okay guys, heads up, we’ve decided na yung account ni Ginalyn Carcha yung gamitin para sa pag transfer ng fund kay Antonio Capulso. Bale iha-handover ni Ginalyn yung ATM card kay Anariza Alzate tapos si Anaiza yung care taker ng account. Yu…See More
      June 15, 2010 at 11:48pm · Like
    • Nino Matienzo that would be better..

      June 15, 2010 at 11:50pm · Like
    • Abbe May can anyone supply me with info (any formal statement about what happened to Antonio) so I can spread the word to my network? maybe we can get more people to help

      June 15, 2010 at 11:52pm · Like
    • Evelyn Llorens wow!!!ang galing!!!thanks a lot for that….

      June 16, 2010 at 8:16am · Like
    • Marlon B. Fulo

      Ms. Abbe May, kapag natuloy ng pi ag-usapan namin ni Harold na pre-assessment or medical diagnostic ky Tonio, we could that record as a reference. Our organization could also give a lecture on Tonio’s condition, as well as other mental impa…See More
      June 16, 2010 at 12:31pm · Like
    • Marlon B. Fulo Salamat po sa mga nagpost dito.

      June 16, 2010 at 12:31pm · Like
    • Evelyn Llorens marlon,im so proud of you.keep up the good work.God bless!!!

      June 16, 2010 at 12:35pm · Like
    • Evelyn Llorens marlon,bikolano ka??????

      June 16, 2010 at 12:36pm · Like
    • Marlon B. Fulo thanks po. Bicolano po ako. roots ko po sa Sorsogon, but ive worked in ateneo de naga for three years. tahnks po.

      June 16, 2010 at 12:38pm · Like
    • Abbe May Marlon, sige. Keep me posted. Maraming gustong makatulong. Isa na ako dun.

      June 16, 2010 at 12:59pm · Like
    • Lanch Miranda nice mga schoolmates….sama sama tayong magtulungan…..

      June 16, 2010 at 12:59pm · Like
    • Khulz Fronda Castillo Tan ang galing naman!!…

      June 17, 2010 at 10:47pm · Like
    • Effel Magluyan Thanks Marlon,Im trying to leave u a message sana di ako makakonek sa profile mo dont know why..

      June 17, 2010 at 11:19pm · Like
    • Marlon B. Fulo Hi effel, marami pede dahilan bat di ka makakoenek. 1. baka di pa tayo frens sa fb. 2. baka may re-routing na nangyayari kapag kinokonek mo ako, baka may kapangalan ako na fren mo. 3. pede ring defunct effect ng virus. try ko tingnan sa account ko, then try u uli. Thanks po for the effort.

      June 18, 2010 at 11:23am · Like
    • Ferdz Labao Fabro Nakakatuwa….Congrats sa mga Camarinians… for the effort.. nakaka antig lahat nyong Ginawa….

      June 18, 2010 at 6:04pm · Like
    • Richard Albiso Buligan marlon…..isa kang…..isa kang…..basta,isa kang!hehehe…
      HATS OFF AKO SA YO!!!!!!

      June 21, 2010 at 1:22pm · Like
    • Marlon B. Fulo hehehe salamat bogs! Ibuhos ang Champagne sa mga alagad ng titik na tulad mo din!

      June 21, 2010 at 4:04pm · Like

Ngayon hanggang Bukas

Akala mo siguro wala lang sakin
Palibhasay nasanay tayo sa gayak

Akala mo siguro, mas pinili kong mag-rali sa kanto
At i-boykot tuloy ang araw na ito

Akala ko nga, inakala mo na
mahirap atang magpangaggap na hindi ako masaya

Nagkataon lang na hindi ako palangiti, hindi palatawa
sapat na sakin na alam kong ikay sinisinta

Akala mo siguro nakalimutan ko
Baka nga kako ikay nagtatampo

Pasensiya na mahal, abala lang ang isip ko
andami kasi nating pasan, maliban sa mga bata, maliban sa iyo
Bagama’t sa dulo, hinding-hindi malilito
Na ang araw na ito’y araw ng walang pagod na pagsuyo

Ng isang taong inakala mong nakalimot sa iyo
Maligayang kaarawan, iyon ang akala ko.

    • Maria Eleina Mojal sweet naman ni bitoy!

      July 26, 2010 at 4:31pm · Like
    • Jun-jun Trinidad maligayang kaarawan sa iyo…binabati kita…

      July 26, 2010 at 5:19pm · Like
    • Kaye Lucero-kapa ang arte mo tol! mag intrega ka na .. dami mong daldal hehehe PEACE. happy bondey MARE!

      July 26, 2010 at 5:58pm · Like
    • Tolitz Natibag uy dre ko alam b-day u pla,..HAPPY B-day ha…

      July 26, 2010 at 9:07pm · Like
    • Rosalie B. Floralde Happy Happy Happy Birthday :)

      July 26, 2010 at 9:11pm · Like
    • Marlon B. Fulo slamat daw manoy caleng, sabi ni camil

      July 26, 2010 at 9:12pm · Like
    • Tolitz Natibag may handa ba.,,di me makapunta jan ala pa atik,..palagi sa gamut ang nadelihensya,..

      July 26, 2010 at 9:15pm · Like
    • Tolitz Natibag wow naman ,.makabagbag damdamin na tula,..durog an pusod ng makabasa,..he,.he,.

      July 26, 2010 at 9:17pm · Like
    • Richard Albiso Buligan CHEESY NITO AH!hahahahah

      July 29, 2010 at 10:35am · Like

Nang Gabing makainom ako ng Redhorse habang Pinapanood kung paano Magsayaw si Bruce Lee

Ala-una, umaga na ba?

Patuloy na namamaga ang aking mata

salamat sa natirang sigarilyo, makakakain na

Pesteng ligaya, bakit hindi ko makita?

 

Kung maari lang hinahingin, di ginawa ko na sana

maano bang pagdugtungin ang gabi at umaga

Walang pakialam kung ang ipis ay manawa

Sinisiguro ko, di magagalit si Franz Kafka

 

Kaninong bersiyon ba nanggaling

at kaninong bendita ang isiniwasiw?

maghahanap ka ng katuturan?

ibulong mo sa hangin!

 

may iilang imahe, simbulo at kahulugan

ngunit batid ko, wala kayong pakialam

makadama man ako ng ligaya tuwing nagsisiga

habang sumasayaw ang dakilang apoy at tuluyang kainin ang mga basura

 

masya akong pagmasdan ang aking labada

habang nakabitay sa sampayan

at paanong lulusog ang kasukasuhan

gayong gising ako, gabi hanggang umaga?

 

baka maaaring hinay muna

marami pa sanang dalahin

marami pa sanang gustong gawin

bagama’t laging nahuhuli, dalawa lang kasi ang aking paa

 

Hindi, hindi ka luluhod

palibhasa’y ang tamis ay sa panlasa

Mula sa pakiramdam naroon ang ligaya

bagama’t ang pang-unawa, sa puso ba o sa mata?

Like ·  · Unfollow Post · Share · Delete

    • Chris Magno ayos, brad. mukhang brucelee na pala ang mga alitaptap ng a…te.:)

      September 25, 2010 at 11:06am · Like
    • Marlon B. Fulo Pogi si Bruce tol, mas pogi kay Mao. Tulad ng tubig, maging formless tayo, walang anyo. wag maging anyong ipis.

      September 25, 2010 at 4:42pm · Like

BAKA ITO NA ANG HULI, O PASIMULA

Minsan kapag natatakot

Magtatapangtapangan

Kapag nahihiya

kinakapalan ang mukha

para matabingan ng kaunti

ang kalakal ng kawalan

halata kaya

gayong nagawa ko na

dapat bang mahiya

o dapat magyabang

papaano ang mga damdamin

papaano ang dignidad

papaano kung sa dulo

hahanapin ko pa rin?

Hindi, hindi na muling dadarang

sa tilamsik ng apoy!

Hindi na lalanghap

Sa amoy ng insenso

ni sisilip ng kaunti

sa karnibal na sinematiko

Baka lang kasi, baka lang

Masanay nang masanay

huwag naman….

Sinong may gawa sa akin?

Komento mula sa FB:

Chiquito Pangan duwag silang naglalabas ng taga
katulad ni uncle Sam na mahilig sa digma
pero sino bang matapang na sasalo sa tilamsik ng apoy
kahit nga tayong lumaki sa impyerno
ay nagrereklamo sa maalinsangang panahon…..

December 9, 2010 at 8:54am · Like

Kulang ang Dingdong na Pulutan!

 

Pupuwede bang minsan magmura ako?

Sa sobrang galit, sa sobrang saya?

Wala munang Althusser, wala munang Marx

wala munang Mrs., wala munang spark

baka sakali lang, maging ako AKO

wala munang necktie, walang long sleeves,

wala munang tatay, wala munang daigdig

baka lang kasi pupuwede

hindi mag-aalala, sa kung ano ako ako at sino sila

baka wag munang logframe, baka hindi muna programa

baka wala munang deadlines, baka wag munang asawa

Isang mura lang please, baka puwede naman

balakyot ang materyal na daigdig, nararahuyo sa laman

Isa lang bitoy, isa lang kahilingan

Wala munang amo, wala munang dangal!

Eto na, eto, ano pa, ano pa

Bakit manghihinawa, bakit mahihiya

Nagpaalam naman ako, pagbigyan na sana

Katulad ng pagbibigay kay Gary Granada

Promise, isa lang, isa lang, hayaan nyo na, eto na…

Putang Ina!

Bang…bang….bang!

kailangang painitin ang hamburger

hindi naman mahirap sumaya
sabi ko nga, estado lang siya ng may katha ng nag iisip, ng gumagawa

para lang transistor radio, sau ang istasyon, sau ang kanta kumbaga sa gupit, sau ang tabas, sau ang puna
pero may ligaya n minsay walang paliwanag, walang pagpapasya
parang MMDA, bgla n lang maninita
parang utot s tanghali, bgla n lang bubuka
parang si diokno pag nalasing, bigla n lang susuka

pati kaya s pakiramdam, mayron pa ring hiwaga?
salin salin s pahiwatig
ngunit walang paghinuha
hindi pinag iisipan, ngunit bigla kang sasaya.
hindpi tulad ng hamburger, paiinitin mo pa!

Mga Komento sa FB

hanep!kakainggit ka naman magsulat….chaka nakakagutom…heheh-Richard Albiso Buligan

Kailangan painitin ang puwet

hindi naman mahirap magpainit ng hamburger
kung crew ka ng McDonald, Burger King, Jollibee o Wendys kaya
dahil sa pagitan ng isa mong buntong hininga may instant burger ka na
bilis ang sukatan ng kita, hindi naman talaga lasa
mas mabagal pa ngang lumabas ang utot kung walang ibubuga
estado lang ng isip ang lasa
pero hindi kathang isip ito
dahil kinatha ito ng mga patalastas na naririnig mo
sa transistor ng radio at telebisyon
pagkatapos ng paulit-ulit na jingle
biglang mong sasabihin: oy masarap pala
hindi tulad ng puwet
uminit man sa kauupo
masama pa rin ang lasa

November 29, 2010 at 12:46am -Chris Magno
Marlon B. Fulo ‎@Boggs, salamat pare, wala lang ako makain hehehe
@Buboy: Capitalismo, Althusser, at saka almuranas para sa usaping puwet

November 29, 2010 at 12:27pm

MYSTERIOUS TALONG RECIPE

Humor - Top Blogs Philippines

Para kay George Serrano at Aldy

Akala nila ganun kadali dalhin tong kamalasan ko. Hindi ko naman alam n na yung simpleng pagluto ko ng torta eh hindi na ako makakapaglaro ng Angry Birds o Jack n Poy Holiholihoy…. Ang hirap ng kalagayan ko ditto sa hospital. Hinang hina ako, dala marahil ng sangkaterbang antibiotic na tinurok sa aking braso, sa hita, at banda doon, malapit kay George Michael. Iyon ang ugat ng aking dala-dalahin, o ang kawalan ng dinadala. Tama, wala na si George Michael, putol na siya, nakalagay sa isang maliit na garapon, imagining mo, nagkasya ang sandata ko sa isang maliit na garapon! Nandoon si Geroge Michael, luray-luray, at hindi mo mapagkikilalang siya nga iyon, ang aking cute little hamster!

Nakakahiya mang aminin, pero tama ka, magpapaalam na ako sa morning erection, oo, tama, eh wala na nga eh. Paalam na Mary Palmer, paalam na Safeguard, lotion, baby oil, Minola cooking oil, paalam….. Uranus!

Oo nga sabi, kasabay ng biglang pagkawala ni Gen. Palparan, bigla ring nawala si George Michael, ang aking sandata, sandigan, tweety bird, yes, my little hamster is gone.

Sa kung paano siya naputol, yun ang malaking palaisipan. Kahit ako, na naging lagging kasama ni George Micheal, na siyang punong lunduan ng aking puwersa sa pagbayo, labang sa mga holster at black hole na nasusuyod naming at nasa-saturate sa lahat ng mga red light district sa Ongpin, Banawe, Quezon Ave., sa Pegasus, Klassmate, sa Virgo, Red paradise, Aling Monangs Karenderia, Mang Boyong Talyer, Tita Purita’s Uphosltery supply, La Paz Batchoy Restaurant, La Paz funeral, talo-talo na rin rin sa gilid ng pathwalk, sa sagingan, sa Toyota jeep, sa talahiban! Siya ang nakasama ko sa mga pakikibaka kong ito, ngunit ngayon, sa gilid ng aking higaan, sa ospital, nandoon si Geroge Micheal, my sweet little hamster, luray-luray, parang nginuya, tahimik, at walang buhay. Wala na ang litid, wala na ang sigla, wala ang tibay, wala na ang saya, wala na ang kulay…. Wala na ang libag.

Aaminin ko, hindi ko talaga alam kung sino ang may sala o kung papaano nangyari. Isa lang ang naaalala ko noon……

(flashback….may backround theme ng Maala-ala mo kaya….)

TWO DAYS BEFORE

Biyernes, Sabado kinabukasan. Me trabaho pa ako noon. Astig nga eh, Program Manager ng inakala kong matinong NGO. Yun pala, isang higanteng tukador ng mga taong hulmahan ng masamang ugali. Unti-unti kang huhulmahin para maging bad, villain, anti-hero atbp. Imaginin mo kung panu gawin ang mga Orcs sa Lord of the Rings, magkaka-idea ka kung pano gawing biological bad and mean robots ang mga tao at hayop dun. Kaya umalis ako dun, sa pabrika ng mga bonzai devils, mahirap nang mahawa, matindi pa un sa tulo, uti , herpes, kulugo o kuliti.

Dagdag Ligoy: Inihahandog ko ang segment sa itaas kay Grace Caburaotan at kay Richard Cepcepin y Kita, na pawang mga modernong makapili at daig pa si Judas kung magkanulo, at may extra-terrestial pang katangian ng pagiging taong-linta na sobra kung makasipsip. Sasali sana sila sa Talentadong Pinoy bilang mga Siphoning Twins, the Malabanan Legacy, kaso disqualified ang mga tukmol, ambabaho kasi ng pagkatao)

Anyway, balik tayo nung Biyernes. Introduction number pa lang ng EatBulaga. Ako ang nakatoka sa bahay na magluto ng ulam. Absent ako sa ofis. Nung mga panahon na yun, meron na akong withdrawal syndrome. Para kasi akong sinusunog sa asupre kapag nasa ofis ako. Pakiramdam ko, andaming fallen angels na lumilipad-lipad sa paligid. Kung pwude nga lang sanang gawing Bumbero ang Pari, para bombahin ko ang opisina ng holy water, para magbago ba mga ota dun, kaso wala, malakas ang Dark Force!

Dahil early family day ang araw na iyon, gusto kong patikimin ng aking special recipe ang tatay ko. Magluluto ako ng tortang talong!

Simple lang naman anp pagluto kung tutuusin, kailangan lang ay kaunting imagination at resourcefulness. Hayaan niyo munang i-share ko sa inyo ang aking Mysterious Tortang Talong Recipe bago ko ituloy ang kuwento….

Paraan ng preparasyon at pagluto ng Mysterious Tortan Talong by Chef Birdless:

Pumili ng mahahabang talong, siguruhing walang uod. Hugasan ang talong sa malamig na tubig.

Walang kinalaman ang malamig na tubig, ginamit ko lang ang tubig sa ref, walang tubig sa gripo, naputulan kami ng NAWASA.

Titigas ang talong kapag hinugasan sa malamig na tubig. isa isang hagurin at haplusin pataas baba, baba taas hanggat matanggal ang libag.

Trivia: ang talong kulay brown talaga, nagiging violet lang talaga kapag nasosobrahan sa hugas at hagod. Ikaw ba naman ang bugbugin sa hagod at himas kung hindi ka magkulay violet (see Babaeng Halaya a.k.a. Ate Jocy in Batikokong, Issue No. 2, malayangjuan.wordpress.com)

Ngayon, itabi muna ang talong dahil hihiwain yan maya-maya. May darating kang kaibigan, kaklase mo nung highschool, may kasama ang kaklase mo na magandang chick, mini skirt ang suot at galante kung magpakita ng Himalayas trench.
Lingunin ang nakababad na talong, sugrado, matigas uli iyon. Itabi uli, kumambyo ka ng di nahahalata.
Maghugas ng kamay, estimahin ang mga bisita. Piliting wag lumingon sa Himalayas…..kapag nakatingin ang kaklase, patumpik-tumpik lang, pee-kaboo, ganon dapat. Maghugas ng kamay.
Ipagyabang ang niluluto at magpakitang gilas sa pagpili ng pinakakamagandang itlog sa tindahan. Hugasan ang itlog, katulad ng paghuhugas ng kamay.
Basagin ang itlog, aray. Mga talong piraso, basagin. Dahil dalawa an gang itlog mo, hiramin ang itlog ng kaklase na isa, nag-text kasi siya, meron siyang dala. Basagin din iyon, sa harap ng kasama niya, aray uli.
Ilagay ang itlog sa isang malalim na mangkok, batihin ang itlog. Banayad lang ang pagbati, hanggang sa maramdaman mong nangangalay na ang yiong kanang kamay, kung kaliwete ka, kaliwa ang impabati mo.
Ngayon, bilisan ang pagbati, bilisan, parang simbilis ni Seb sa Sta. Ana. Mabilis, hanggat lumabas ang ugat mo sa kamay, hanggat mamula ang iyong mukha at magkandaliyad ang kanan mong paa. Batihin ang itlog ng maiigi, pagkatapos mo, ilagay ang binating itlog sa gilid ng mesa, wag ipakita sa kasamang chick ng kaibigan mo, dyahe. Maghugas ng kamay, wag tagalan, baka ka mapasma.
Kapag nakita mong naiinip ang kaklase mo at ang kasama niyang may nakaluwang dambulang singkamas, mangutang ka sa tindahan ng red horse. Magpasikat ka sa kanila, kumuha ka ng dalawang case na Mucho at alukin sila ng inom. Sasama ka sa pag-inom, siyempre, para may lakas ka ng loob na sipatin ang Himalayas na tinamnaman ng singkamas.
Umiinom kayo muna ng tig-apat na bote, walang kain, walang tulog, basta uminom kayo ng ganun karami.
Pagkatapos, ihanda na ang iba pang mga sangkap: Siguruhing naubos mo na ang apat na bote ng Mucho o red horse bago ka maghanda ng ingredients, dyahi kasi kung sila lang ang umiinom. Ayan ihanda mo na…. ihanda mo na nga, tagay na ni Dinan yan, gago!

Mga Ingredients ng Mysterious Tortang Talong (apat na boteng Mucho ang nainom mo na)

1 pack of Namnam Mix or Magic sarap, dinurog ng bote ng red horse
4 ¼ ng piraso ng asin, hatiin ang mga piraso sa dalawa, ihiwala ang hugis bilog sa hugis triangle. Babala, wag gagamit ng microscope, mapapanis ang asin
1 pack ng vetsin, ung gawa sa buto ng intsik
1 ulo ng sibuyas, chopped, haluan ng 2 paa ng kamote, 3 ½ apdo ng sili na sinabunutan at betlog ng kambing, giniling
1 supot ng bread crumbs, dapat crumbled siya
1 basong red horse, tagay mo yan, tapos na si Dinan, gago!

Matapos ihanda ang ingredients, at matapos inumin ang tagay, balikan ang binabad na talong. Hanapin mo ito sa ilalim ng lamesa, o sa loob ng ref o sa cabinet ng tatay mo, baka dun mo nalagay, burara ka kasi, saan mo ba nilagay?
Gumamit ng tong o panipit. Isa-isahing sungkitin ang mga piraso ng talong na nabuhos mo sa inidoro, lasing ka kasi. Maghugas ng kamay pagkatapos.
Paghalu-haluin ang sangkap sa itaas.
Ibaba mong kamay mo tukmol, paghaluin ang mga sangkap na nabanggit sa itaas ng sentence na ito, hindi itaas ang kamay at dun haluin.
Ibuhos ang itlog.
Damputin mo yan gago, sa mangkok ibubuhos ang itlog, hindi sa lupa!
Haluin uli ang lahat ng sangkap sa itaas. Tumingin sa mata ng mga kasama, tingnan kung sino nang mapungay ang mata. Kumuha ka ng kaunting piraso ng hinalo mo at ipasok sa ilong ng kainuman.
Siyempre, gaganti ang mga kasama mo, papasukan ka rin sa ilong, madadamay tatay mo at kapatid mo hanggang makaabot kayo sa labas ng bahay na nagbabatuhan ng binating itlog at mga sangkap. Kung may matitira sa ingredients mo, maghanap ka ng straw, lagyan sa loob ng tatlong gutom na hantik, saka ipasipsip sa pinaka-tsismosa nyong kapitbahay.
Ulitin ang Steps 1 to 19.
Ngayon, handa na ang iyong base mixture. Oras na para ihawin ang talong. Huwag nang hugasan ang talong, saan man nanggalingn yan, nahugasan nay an, wala nang oras. Alas onse na ng gabi, wala pa kayong ulam.
Tip: Kapag nagtotorta ng talong, wag kayong mag-ihaw sa gasul, lalo na kapag wala na itong laman, magmumukha ka lang tanga. Mag-ihaw sa kahoy.
Maghanap ng kahoy, pumutol ng isang paa ng lamesa, isang dingding ng kuwarto ng utol mo, kamay ng rebulto ni Nino, frame ng the Last Supper, tungkod ni Tandang Pedring, isama mo pustiso ni Mang Crising, pampaningas.
Tanga, hindi sisindi yan, kailangan mo ng posporo. Wag umasa sa init na nararamdaman mo ngayon dahil sa Himalayas. Huwag din masuya kung madidiskubre mong padding lang ang Himalayas, hindi totoo iyon. Kunin mo na rin ang padding ng kasama ng kaklase mo, dagdag ningas.
Huwag ka ring mabigla kung ang chick na kasama ng kaklase mo ay chicksilog pala. Mahahalata mo, habang nalalasing, lumalalim ang boses niya, parang kay Ben Tulfo. Hindi siya si Jennifer, siya si Kame, oo, si Condrado Dimalanta, classmate nyo rin noon na bading na nakapag japan. Focus ka lang sa niluluto mo.
Teka, abo na yang talong na iniihaw mo. Hanguin mo agad, gumamit ng kutsara sa paghango ng nasunog na talong para mas maraming makuha. Ihiwalay ang uling at ang naabong talong. Ihalo sa iyong base mixture, ung ginawa mo mula steps 1-19.
Dahil naabo ang talong, kumuha uli ng dalawa pang piraso. Oo, isa na lang ang sobrang talong, pero dumiskarte ka ng isa pa, kailangan dalawang talon gang ihahalo sa base mixture bago mo iprito. Ubusin ang huliong huling case ng mucho ng ikaw lang mag-isa. Gawin ito habang naghahanap ka ng isa pang talong.
Huwag kang mag-panick kung bigla kang mahilo. Basta sabi mo, nakahanap ka na ng isa pang talong kahit isa lang ang nasa kamay mo. Focus ka lang.
Maglagay ka ng blind fold sa mata, hiwain ang talong gamit ang samurai ng tatay mo. Hiwain mo lahat ng talong na hawak mo. Huwag mag-panick kung mahilo, basta hiwain ang talong at ihalo sa base mixture kapag nahiwa na ang talong.
Kung di na mapigilan ang hilo, tumumba ka na lang sa kinatatyuan mo, siguraduhing walang masyadong tao, mukha kang tanga kung bumagsak. Ipikit ang mata, mangisay-ngisay ng tatlong ulit, idilat ang mata ng bahagya, at sigaw ng “…help, help, dalhin nyo ko sa clinic”

TWO MINUTES AFTER:

Balik tayo sa hospital. Habang sinisipat sipat ko si George Michael na nakalagay sa isang maliiit na bote, luray-luray, napansin ko na nandun pa rin pala ang mga classmate ko na nakainuman ko. Nandun si Dinan at ang bading na si Kame, nakabantay sa akin.

Tinanong ako ni dinan, Brad, kumusta na pakiramdam mo? Sabi ok, kaso malungkot kasi nga, wala na ang hinaharap.

Sumingit si Kame sabi niya; alam mo, masarap sana ung recipe mo ng tortang talong, kaso iniluwa ko uli, ung hinalo mong sausage parang hilaw eh.

Another silly and witty idea from malayangjuan-Android

Another silly and witty idea from malayangjuan-Android

Continue reading

Si Batikokong, ang Palayaw at mga taong gustong maging flower

Filipino Bloggers' Community

Humor - Top Blogs Philippines

Nauna nang matulog si Mrs.

Di ko siya masisisi, halos limang oras kaming nagbalitaktakan tungkol sa kung anong pangalan ang pede naming ibigay na pangalan sa susunod naming anak. Kung sakali lang naman. May kung ilang baul na din ng mga pangalan ang hinalukay, tinandaan at inispat-ispat naming, makakuha lang ng tamang kumb8inasyon ng pangalan sa susunod naming baby, kung sakali lang.

Ilang sa mga kandidato ang mga pangalang Marx, Abuego, Fyodor at ang ang pinag-gigiitan ni Mrs., ang pangalang Juspicio. Sa dulo ng usapan, natulog na lang siya at ako naman, nakuntento na lang sa pangalang Jr.

Nagsimula kaming magtalo tungkol dito dahil sa topic tungkol sa mga palayaw. Sabi ko, bakit ba laging may kinalaman sa tunay na pangalan ang palayaw. Ibig sabihin, madalas na katunog o pinaiksing version ng tunay na pangalan ang palayaw. Halimbawa, kung ang pangalan mo ay Jose, palayaw mo, Joe. Kung ikaw ay Milandro, palayaw mo Landro o Milan, kung ikaw ay Johnson, palayaw mo John. Minsan, pati mahahabang apelyido, nilalagyan ng din ng palayaw, halimbawa, kung apelyido mo ay Dimalaluan, Dimagiba, Dimaano, Dimahindot, palayaw ng apelyido mo “Dima”, kung apelyido mo ay Manoloto, palayaw ay “Mano” o “Loto”. Oks naman diba para hindi mahirap banggitin, suwerte na rin ng mga apelyidong ito, mayroon nang instant “name recall”. Ewan ko lang kung suwerte din ang mga may apelyidong “Bayagbag”. Malamang, palayaw nito ay “Bayag”.

Balik tayo sa palayaw. Naisip ko lang kasi bigla, bakit antamad ng ibang magulang na magbigay ng palayaw, na halos ganun din ang tunog ng tunay na pangalan. Walang creativity kung baga. Hindi ko alam kung tamad din o walang creativity ang mga magulang ko, dahil sa magkakapatid, ako lang ang walang palayaw.

Ang Pangalan ko ay Juan, (hindi tunay na pangalan), pero Juan pa rin ako kung tawagin ng mga kapitbahay. Kung bibigyan din ako ng palayaw, tiyak, hindi rin tunAy ang palayaw ko dahil hindi nga tunaY yang pangalan ko ditto.

Anyway, balik tayo sa palayaw. Sabi natin kanina, ano nga ba ang driving factors na nagmamaneobra sa mga ermats at erparts natin sa kung kaano kaganda (e.g. Cliff, John, Chad) o kung gaano kabaho at kaastig (e.g. Karyo, Unyo, Dyutay, Burang, Bagang, Pitik, Boy Pana, Boy Boga, Boylet). Kung magpi-feeling tayong mga sociologist o siyentista ng lipunan at sikolohiya, pede nating itanong; meron bang social significance o social built para magtulak sa ating mga magulang na bigyan tayo ng palayaw na meron o wala tayo ngayon? May kinalaman ba ang kasaysayan o histori para sa pagpili ng pangalan? Meron kaya itong social measure or social divide kaya pagdating sa pagbibigay ng palayaw? Historical context kaya, depende sa panahon?

Sinubukan kong maglagay ng isang link ditto para sa mga kakaibang palayaw ng mga pinoy. Isa itong news feature ng programang 24ORAS ng GMA Network.

http://tinyurl.com/c8p68o5

Halimbawa, noong panahon ni Rizal, si Jose, hindi siya binigyan ng palayaw na Joe, kasi nga, wala pang mga Amerikano noon sa bansa. Pero bakit Pepe ang palayaw niya, malayo sa Jose. Hindi kaya dahil hindi lumpen ang mga magulang niya at haciendero sila? Pero bakit pa rin Pepe? Hindi ba parang cheap ang dating, kung ikukumpara sa estado at narrating ni Jose Rizal? Hindi rin naman siguro si Jose Rizal msmo ang nagbigay ng palayaw niya dahil bata pa siya, natutunan niya lang siguro ang salitang “Pepe” noong marami siyang nagging syota, lalo na noong nasa Germany at Japan siya? Bakit kaya Pepe ang palayaw niya. Kunsabagay, ok na rin ang palayaw na Pepe kesa sa Tete…mas obvious kasi.

Mayroon akong isang kababata noon, pangalan niya, Joel. Ngayon, kababata ko pa rin siya. Napagkuwentuhan lang naming nung tomotoma kami sa isang ka-collective ko. Patay na si Joel, na ang palayaw ay Totoy. NIlason daw sa Bikol nung makipagsuntukan dahil lamang sa away kung sino ang dapat manghuli ng palakang pupulutanin nila.

Anyway, patay na nga si Joel, na ang palayaw ay totoy. Ngunit si Totoy ay tinatawag lamang na Totoy ng mga kamag-anak niya, at ilang malalapit na kaibigan. Siga ang tatay ni Totoy. Sa katunayan, lagging suki ng Womens and CHildrens Desk ng BaRANGAY At pulis ang tatay niya. Hobby kasi ng tatay ni Totoy ang gawing freesbie ang kanyang mga anak, at gawin naming ubeng halaya ang kanyang asawa. Iyon nga, sikat ang pamilya nila Totoy dahil ditto, at kilala lahat sa buong barangay ang pangalan ng bawat kasapi ng pamilya. Si Mang Turing; ang tripper na tatay, na beterano siguro ng UFC na sanggang dikit si Anderson Silva, si Ate Josie, ang halayang nanay, mga kapatid na babae, si Gina, asawa ni Pareng Randy, si Maricel, na kilala rin sa pangalang Galis-Aso, si Jonis, ang tahimik sa lasenggero, si Bulilit, na hanggang ngayon ay di ko alam ang tunay na pangalan, si John2x, na siyang tanging nakarating ng college dahil sa pagbubuhat ng hollow blocks at buhangin. Lahat sila, kilala sa kani-kanilang palayaw o pangalan, maliban kya Joel, si totoy.

Hindi naman isnabero siya o feeling classy si Totoy. Hindi talaga nasanay ang barangay na tawagin siyang Joel o totoy. Mas kilala siya sa pangalang Batikokong.

Ito ang nagging palayaw ni Joel, Batikokong at hindi Totoy. Hindi nanggaling sa kanayng tunay na pangalan ang kanyang palayaw. Nanggaling ito sa isang pagkakataon na hanggang ngayon siguro sa kanyang nitso eh pinagsisihan niya, sumalangit nawa.

Bata pa kasi noon si Totoy. Katulad ng lagi niyang ginagawa, kapag wala na siyang maisipang kalokohan, aakyat I Batikokong sa puno ng bayabas nila Ate Bebang. Doon niya pupurgahin ang sarili sa mg ahinog at bubog na bayabas. Nstant tanghalian na, may libre pang toothbrush at tootpaste with antiseptic characfteristics.

Abala ang lahat sa isang paliga ng basketbol sa kanto. Pagkatapos ng paliga, inaasahan na magkikita-kita ang lahat sa bakuran nila ate bebang para duon tumambay at mag-alaskahan kung sino ang pinaka bano sa laro at kung sino ang may pinaka lawlaw na medyas.

Nasa ganoong alaskahan ang mga kababata ko ng biglang nakita ni Ian Taba si Totoy na nagsasarili, nakakapit ang isang kamay sa sanga ng bayabas, nakaunat ang kanang paa, habang ang isa ay nakapalupot sa isa pang sanga. Ang kanyang kanag kamay ay pataas-baba, na may napisat nang hinog na bayabas.

Biglang humagalpak ng tawa at sumigay si Ian Taba, put**** *na, si Totoy, nagbabate, parang Kingkong! Simula noon, doon pormal na nabautismuhan sa espiritu ng bayabas si Totoy aka Batikokong. Nabinyagan tuloy siya noon na “nagbabateng Kingkong” or Batikokong in short.

Ito si Batikokong nung bata pa, active pa siya noon sa pagsinghot ng Biogas at pintuyong kabute

Wala na akong balita kung saan at papaano nailibing si Batikokong. Siguro malapit ang kanyang nitso sa puno ng bayabas, at ang korona sa lamay ay dahon ng bayabas. Lahat siguro ng seremonya, mula sa litany hanggnag sa aktuwal paglibing may kinalaman sa kanyang bagong pangalan, bayabas, akyat, Kingkong, at binabayong Holster. Sana naman sa kanyang lapida, wag nang ilagay ang kaynang pangalan.

Noong unang panahon, ang pangalan ng tao ay nakabatay sa kanyang kakayahan at katangian halimbawa, Malakas, Maganda, Maantot o Kuluntoy. At marahil hindi rin magbabago ang paraan at panahon sa pagbibhigay ng palayaw. At ang Pangalan at Palayaw ay mananatili ding kaakibat ng ating karanasan.

Guys, kung tayong mga Pinoy ay bibigyan ng iisang pangalan at palayaw, isa lang ang suwak at angkop sa atin, kung pagbabasehan ay karanasan. Ito ay ang KaHIRAPAN. Lahat tayo maaaring pangalanan ng Juan Kahirapaan. Kagaya ni Batikokong na namatay na lang ay nanatili pa ring mahirap. Kaya si Batikokong ay magigi ring Batikokong Juan Kahirapan.

Another silly and witty idea from malayangjuan-Android

Another silly and witty idea from malayangjuan-Android

Continue reading